top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

34 bloke isinuko, 6 itinago | MANGINGISDA, ARESTADO SA COCAINE

  • Jeff Tumbado
  • Apr 13, 2019
  • 1 min read

TIKLO ang mangingisda dahil sa pag-iingat ng anim na bloke ng cocaine na narekober nito sa karagatang sakop ng Tandag City, Surigao del Sur.

Sa presinto na napag-alaman na hindi lang itinago ng suspek ang kontrabando kundi ibinibenta rin.

Kinilala nag suspek na si Ronie Arpilleda, 48, mangingisda.

Ayon kay Police Regional Office-13 (PRO13) Director Police Brigadier General Gilberto DC Cruz, una umanong isinuko ni Arpilleda sa pulisya noong Pebrero ang 34 blokeng cocaine na natagpuan sa Tandag City ngunit, itinago umano nito ang 6 bloke para ibenta sa drug user.

Pinasalamatan pa ng PNP si Arpilleda at itinuring na samaritano pero, nakatunog umano ang pulisya na may 6 bloke pa itong naitabi upang mapagkakitaan.

Nang maramdaman ng mangingisda na sinusubaybayan siya, isinuko nito ang 4 bloke habang itinapon niya umano ang 2 sa inodoro.

Nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si Arpilleda dahil sa pag-iingat at pagbebenta ng cocaine.

Nagbabala naman si Cruz sa mga hindi magbabalik ng mga bloke sa mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page