top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 patay, 1 sugatan sa pamamaril ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Apr 13, 2019
1 min read

SULTAN KUDARAT—Dalawang lalaki ang namatay at sugatan naman ang isa pang biktima nang barilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa bayan ng Lambayong sa lalawigang ito.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jamilton Ali at Gilbert Mateo, samantalang, ang sugatan ay si Mark Sia, pawang nakatira sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, nakatayo ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page