2 kulong sa droga

DALAWA katao kabilang ang hinihinalang tulak ng iligal na droga na target ng isinagawang buy-bust operation ng mga pulis ang arestado sa Malabon City.
Ayon kay Malabon City Police Chief P/ Col. Jessie Tamayao, alas-6:30 ng umaga nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa pangunguna ni PLt. Rolando Domingo ang buy-bust operation sa kahabaan ng C. Arellano St., Bgy. Baritan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Albert Maclan alyas Abet, 23, injection production ng Sentinel Corporation matapos magbenta ng isang sachet ng marijuana sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money.
Nakumpiska sa suspek ang buy-bust money at 30 sachets na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana at fruiting tops.
Alas-7:45 ng gabi nang masakote ng mga tauhan ng PCP-4 na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa pangunguna ni PSSgt. Tiangco si Marvin Limjuco, 42, ng Bgy. Tugatog matapos makuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa loob ng Tugatog Public Cemetery.





Comments