top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Taxi driver na holdaper, arestado

Gina Pleñago
Apr 12, 2019
1 min read

ARESTADO ang taxi driver nang holdapin ang dayuhan na kanyang isinakay sa EDSA Extension, MOA Complex sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Pasay City Police Chief P/Col. Bernard Yang ang suspek na si Jose Sajul y Froilan, 61, ng Sangandaan, Quezon City.

Habang ang biktima ay kinilalang si Tze Chea Kon, 22, IT programmer, Malaysian, pansamantalang nanunuluyan sa Seaside Blvd., MOA Complex.

Ayon kay Police Major Wilfredo Sangel, alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang sakay ng suspek ang biktima sa minamanehong taxi na may plakang UWG-421.

Tinutukan ng patalim ang biktima saka nag-anunsiyo ng holdap sa madilim na bahagi ng MOA Complex.

Kinuha ng suspek ang cash ng biktima na nagkakahalagang P6,000 saka ibinaba sa nasabing lugar.

Agad namang dumulog sa pulisya ang dayuhan at nagsagawa ng operasyon ang pulisya sa paghuli sa suspek na namataan sa bahagi ng panulukan ng Pacific Drive at Marina.

Pinara ng mga awtoridad ang minamanehong taxi at nakuha ang patalim na ginamit ng suspek sa panghoholdap sa dayuhan.

Dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek na kinilala ng bikitma.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page