Propaganda na hindi pinag-iisipan, tiyak sasablay!
- BULGAR

- Apr 12, 2019
- 1 min read
NAGPAKITA na ng likod si dating SAP Christopher “Bong” Go.
Nabura bigla ang kredibilidad ni “Bikoy”!
◘◘◘
IMBES na masira si “Bong” Go, tiyak na aangat pa ang kanyang pangalan sa susunod na survey ng senatoriables.
Si “Bikoy” ang kanyang no.1 campaigner!
◘◘◘
HINDI na kailangan ni “Pulong” na magpakita ng likuran kasi nasira na ang kredibilidad ng kanyang mga kalaban.
Ang black propaganda ay dapat pinag-iisipang mabuti, bago pakawalan!
◘◘◘
BINUBUHAY ng “otso diretso” ang isyu sa Spratlys Island.
Isa na naman itong “waterloo” ng oposisyon!
◘◘◘
NAG-PANIC ang mga kalaban ng Malacañang.
Dahil umangat nang todo ang approval rating ni P-Digong!
◘◘◘
HINDI social media ang hahatol sa kapalaran ni P-Digong.
Si P-Digong ay hapan batay sa aktuwal na nararanasan at nasasaksihan ng mga residente sa kanilang paligid!
◘◘◘
MAGING ang mga dayuhan ay nagpa-panic.
Kahit manghimasok sila, hindi tatalab ang kanilang pagdidikta sa Republika ng Pilipinas!
◘◘◘
WALANG duda, isa si P-Digong sa pinakadakilang lider ng bansa.
Orihinal ang estilo ng kanyang liderato at pamamahala!
◘◘◘
ISANG sikreto rito ay ang pagiging makatotohanan at hindi plastik.
Si P-Digong ay simpleng tao na hindi itinatago ang kanyang kahinaan at personalidad.
Siya ang type ng mga bebot na “medyo bastos”!





Comments