top of page
Pokwang.jpg

Paglunsad ng PCUP sa adopt-a-community program ngayong taon, abangan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 12, 2019
2 min read

ANG Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay patuloy na nagsusumikap upang maibsan ang pangangailangan ng mga kapatid nating maralita sa buong bansa kaya maliban sa assistance sa demolisyon o ebiksiyon ay nariyan ang three priority programs ng komisyon.

Ang mga programang ito ay naglalayong direktang maibaba ang pinagsama-samang mga serbisyo ng gobyerno sa mga maralitang tagalungsod upang makatulong sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.

Tanong: Hello, Sir Alvin! May gusto lang akong itanong, nakita ko sa inyong Facebook page na mayroon kayong Adopt-A-Community Program. Nako-curious ako kung ano ito at kung sino ang mga makikinabang dito? Thank you! — Joel

Sagot:

Magandang araw sa’yo, Joel! Tama, maliban sa isinasagawang caravan ng komisyon ay mayroon din tayong pinag­hahandaang Adopt-a-Community Program.

Ang Adopt-a-Community ay corporate and government partnership kung saan ang indibidwal o grupo ng mga indibidwal ay maaaring kumalinga ng isang urban poor community sa pamamagitan ng pagbibi­gay ng pangkabuhayan, pangunahing serbisyo at iba pang pangangailangan ng komunidad.

Sa pamamagitan ng programang ito ay inaasahang libu-libong pamilya ang mabi­big­yan ng kanilang mga pangunahing pangangailangan, gayundin ng mapagka­kakitaan. Sa ngayon, nasa proseso pa ng paki­kipag-ugnayan sa mga pribadong kumpanya ang programa ngunit, inaasahan nating ngayong taon ay mailulunsad na ito.

Maliban dito ay nasa proseso ng diskusyon ang isa pang priority program ng komisyon, ang Urban Poor Privilege Card, na naglalayong mabigyan ng diskuwento ang mga maralitang Pilipino na magiging cardholder ng naturang programa.

Kung kayo po ay interesado, may katanungan o suhestiyon, maaari po kayong bumisita o mag-message sa PCUP Official FB Page na www.fb.com/pcupPH, hanapin ang hashtag na #PCUPatyourService o mag-email sa pcup.media2019@ gmail.com upang higit pang matutunan ang tungkol sa ahensiya ng mga maralita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page