top of page
Pokwang.jpg

Nakapaligid sa mga simbahan — MMDA | CLEARING OPERATIONS VS. ILLEGAL VENDORS

Gina Pleñago
Apr 12, 2019
1 min read

IKAKASA ngayong linggo ang sabay-sabay na clearing operations laban sa mga illegal vendor sa malalaking Simbahan kung saan nagsasagawa ng Visita Iglesia ang mga deboto ngayong Kuwaresma.

Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Roy Taguinod, ipatutupad ang “no day-off” at “no absent” policy sa mga traffic enforcer sa Miyerkules at Huwebes Santo, gayundin sa Linggo ng Pagkabuhay at Lunes.

Ipatutupad na ng MMDA ang “operations plan” nito sa susunod na linggo kaugnay ng inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko at pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya.

Sa ilalim ng “Oplan Metro Alalay Semana Santa”, mahigit 1,600 traffic personnel ang itatalaga sa mga pangunahing kalsada, bus terminal, paliparan at pantalan mula Abril 17 hanggang 22 para matiyak na ligtas at maayos ang daloy ng trapiko sa panahon ng Kuwaresma.

Bilang bahagi ng monitoring sa mga bus terminal, magsasagawa rin ng random o on-the-spot breath analyzer tests sa mga bus driver para malaman kung nasa impluwensiya ito ng alak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page