Kung valid ang fire insurance policy kahit hindi rito inilagay ang saktong halaga ng pananagutan ng
- BULGAR

- Apr 12, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung valid ba ang fire insurance policy kung hindi inilagay ng insurance company ang eksaktong halaga ng kanilang pananagutan at sa halip ay inilagay lamang nila ang pinakamataas na puwede nilang bayaran kung sakaling masusunog ang bahay namin? —Bea Rose
Dear Bea Rose,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 59 ng Republic Act (R.A.) No. 10607 kung saan nakasaad na:
“Section 59. A policy is either open, valued or running.
“Section 60. An open policy is one in which the value of the thing insured is not agreed upon, and the amount of the insurance merely represents the insurer’s maximum liability. The value of such thing insured shall be ascertained at the time of the loss.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, balido o may bisa ang open policy na hindi nagsasaad ng eksaktong halaga ng pananagutan ng insurance policy, bagkus ay isinasaad lamang ang pinakamataas na maaaring bayaran kung sakaling mangyayari ang risk o panganib na siyang batayan ng nasabing insurance contract.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments