INTERES NG BATA SA BILLIARDS, BUBUHAYIN NI AMIT WOMEN’S WHEELCHAIR BASKETBALL, PALALAKASIN

LAOS na ba ang bilyar sa masang Pinoy? Inamin ni World Women’s 9-Ball Champion Rubilen Amit na nawala ang kislap ng bilyar – itinuturing na sports na pang-masa ngunit, nananatili pa rin itong premyadong sports na nakapagbibigay ng karangalan sa bansa.
“Billiards remained a force to reckon with sa international scene. Carlos Biado won the world title in 2017 at muntik na niyang makuha ‘yung back-to-back last year, medyo kinapos lang. Right, now despite the success of Filipino players sa abroad, bumaba talaga ‘yung popularity ng sports,” pahayag ni Amit, tanging Pinay na two-time world champion sa World Pool Association (WPA). Tinukoy ni Amit na posibleng dahilan sa pagkawala ng ningning ng billiards sa kabila ng patuloy na pamamayagpag ng atletang Pinoy ay ang kakulangan sa grassroots program at local tournaments.
“Hindi naman nawawala ‘yung kasikatan nina Bata Reyes, Django Bustamante at iba pang billiards player natin. Medyo, nawala lang ‘yung ingay dahil na rin sa kakulangan sa local tournaments. Medyo, yung mga sponsors sa sports namin nagpapahinga po yata,” pabirong pahayag ng 37-anyos na pambato ng Mandaue, Cebu.
Bilang panimula upang pasiglahin ang billiards, ipinahayag ni Amit na nag-post siya sa kanyang Facebook page para hikayatin ang kabataan, gayundin ang mga mahihilig sa billiards na sumailalim sa kanyang pagtuturo – ng libre. “Kahit po one-on-one tutorial payag po ako. Libre po ito at walang gagastusin ang nais na matuto ng billiards. Araw-araw po ang training namin at after ng ensayo puwede ko po silang maturuan. Sa ganitong paraan, hopefully, maibalik ‘yung interes ng masa sa sports namin,” sambit ni Amit sa kanyang pagbisita kahapon sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Kasama niyang bumisita sa lingguhang sports forum ang bagong National billiard team member na si Floriza Andal, gayundin ang mga miyembro ng Pilipinas Lady Warriors – bagong tatag na women’s wheelchair basketball – na binubuo nina coach Vernon Perea, assistant coach Harry Solanoy, manager Nina Castro at players na sina Patricia Castro, Cecille Naceno, Kimberly Dongayo at Jean De Los Reyes. Sumabak ang grupo sa International Wheelchair Basketball Federation (IWBF) Women’ s Camp kamakailan sa Suphan Buri, Thailand.





Comments