Coffee shop niratrat, 2 utas

DALAWA ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan sa pamamaril sa loob ng coffee shop sa Bgy. Cogon Ramos, Cebu City, Huwebes ng madaling-araw.
Dead-on-the-spot sina John Michael Hermoso, 29, at Cyril Ramos habang ginagamot naman sa ospital sina Sherwin Rivera at Jerome Amada.
Sa inisyal na imbestigasyon, ala-1:00 ng madaling-araw, magsasara ng coffee shop ang mga biktima, kabilang ang may-ari na si Hermoso nang pagbabarilin ng suspek.
Isang armadong lalaki na may takip ang mukha at naka-helmet ang dumating at namaril sa lugar.
Ayon kay Police Lt. Elstone Dabon, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na ngayon ay subject ng malawakang pagtugis ng pulisya.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa krimen.





Comments