CLIPPERS, PASOK SA PLAYOFFS NUGGETS, NO. 2 NA SA WEST


MAY nag-aabang na sa first-round playoff opponent ng Los Angeles Clippers nang kalusin nila sa kanilang landas ang bisitang Utah Jazz sa NBA game kahapon. Kailangan lamang muna ng Jazz na maghintay sandali.
Habang may regular season finale na lalaruin sa pagitan ng dalawang teams para sa susunod nilang tangkang puwesto sa playoffs, kinakailangan muna ng Los Angeles at ng Utah ang overtime game bago napagwagian ng Clippers ang 143-137 na laro at tapusin ang three-game losing streak.
Umiskor si Montrezl Harrell ng 24 points upang pamunuan ang Clippers. Dumagdag si Ivica Zubac ng 22 puntos at 11 rebounds habang si Lou Willams ay may 15. Nag-ambag si Utah rookie Grayson Allen ng career-high 40 points habang si Georges Niang ay umiskor ng career-best 24.
Samantala sa iba pang laro, kumana si Jamal Murray ng go-ahead 3-pointer sa nalalabing 31.5 segundo nang umiskor ang Denver Nuggets ng pinal na 15 puntos upang talunin ang Minnesota Timberwolves, 99-95 at angkinin ang no. 2 seed sa Western Conference.
Tumapos si Nikola Jokic ng 29 puntos at 14 rebounds habang si Murray may 17 para sa Denver. Makahaharap ng Nuggets (54-28) ang San Antonio Spurs (48-34) sa first round ng playoffs.
Bumasket si Andrew Wiggins ng 25 points, may 18 at 11 rebound si Gorgui Dieng, may 19 si Cameron Reynolds sa kinapos na Timberwolves (36-46). Hindi nakalaro sa Minnesota si star center Karl-Anthony Towns, na umupo sa huling dalawang games dahil sa pamamaga ng kaliwang tuhod. (ATD/MC)





Comments