BEGORNIA, GOLD SA SOUTHEAST ASIAN CUP SQUASH C’SHIPS
- BULGAR

- Apr 12, 2019
- 2 min read

NAKAPAGTALA ng magandang record si Reymark Begornia sa 5th Southeast Asian Cup Squash Championships noong Miyerkules ng gabi sa hataw na panalong 8-11, 11-8, 11-5, 9-11, 11-9, laban kay Benedict Chan ng Singapore sa men’s singles finale na idinaos sa Kerry Sports courts sa Shangri-La Hotel sa Taguig City.
Sa isang makapigil-hiningang duwelo sa deciding fifth at final set, si Chan ang unang kumurap, masaklap na dumanas ng tatlong sunod na mid-game errors para samantalahin ni Begornia at makuha ang gold medal matapos ang 61 minutong mainit na aksiyon sa torneo na inorganisa ng Philippine Squash Academy.
Ito ang first major international title ng 5-foot-11 racket-wielder, na kumumpleto ng four-match sweep sa kanyang stint upang bigyan ang host ng first mint para sa six-nation competition na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at MVP Sports Foundation.
Nakabawi ang Malaysian na si Noor Ainaa Amani Ampandi upang pabagsakin si Singaporean Sneha Sivakumar, 6-11, 117, 11-9, 11-6 sa pagsungkit ng women’s gold medal. “I just kept my patience, especially in the fifth set. Medyo magulang po ang kalaban pero pagod na rin siya,” saad ni Begornia habang nagdiriwang pa sa pinaghirapang panalo kasama ng mga nagtsi-cheers niyang fans.
“This is a great win for Macmac (Begornia’s nickname). He was all effort and all heart and truly deserves the victory,” ayon kay national coach Manu Yam. “He played a calculating game but was also willing to take risks, which paid off.”
Ikinalugod ni PSA president Robert Bachmann, na nasaksihan ang dikitang bakbakan mula sa simula hanggang matapos sa naging performance ni Begornia. “What Macmac did was epic! He never gave up. This is a major breakthrough for him.”
Dahil na rin sa magiting na laro ng Pinoy, sinabi ni Bachman na tatanggap ang atleta ng “significant bonus.” (VA/MC)





Comments