Bagets timbog sa shabu
- Pabs Hernandez III
- Apr 12, 2019
- 1 min read
CEBU CITY—Isang binatilyo ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Duljo Fatima sa lungsod na ito.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang 16-anyos na suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 17 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang binatilyong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments