top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Babaeng gustong aminin ang feelings pero ayaw masira ang friendship

ROMA AMOR
Apr 12, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Ryza, 20 years old at college student. May lalaki akong naki­lala recently sa school at naging magkaibigan kami. Kapag lunch time o vacant, mag­kasama ka­mi, gayun­din, kapag exam week dahil sabay ka­ming nag-aaral. No­ong una, in-denial ako na gusto ko siya, pero, habang tumatagal, parang nakukumbinse ko ‘yung sarili ko na gusto ko na tala­ga siya. Nagdadala­wang-isip akong umamin dahil baka masira nag friendship namin. Ano ang dapat kong gawin? — Ryza

Ryza,

Naku, sis, mahirap ngang isugal ang pagkakaibigan ninyo sa pag-amin mo sa totoong nararamda­man mo. Pero, kung talagang gusto mo siya, umamin ka na. Ganu’n talaga ang pag-ibig, teh, dapat ay handa kang sumugal kahit mataas ang tsan­sa na masaktan ka sa huli. Gayunman, kung maganda ang magi­ging resulta, at least, worth it, ‘di ba? Laban lang nang laban. Okie? Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page