Aktor, umamin, Sylvia… JM, BINAWALAN NG DOKTOR SA UTAK NA MAINLAB KAY RIA


WHAT is really the real score between Ria Atayde and JM de Guzman?
Sinagot ito ng binata sa interview sa kanya sa Tonight with Boy Abunda. They are just good friends lang daw.
Paliwanag niya, “We lift each other. Positive things. Marami ang natututunan ko sa kanya.”
Sa tanong kung magle-level-up pa kaya ang friendship nila ngayon ni Ria, he said, “Then I will ask the permission of Mommy Sylvia (Sanchez).”
Oh, ha? Take note, “Mommy” na agad ang tawag niya kay Sylvia, ‘di pa man.
At kung ready na siyang ligawan si Ria?
He said may mga factors pang dapat i-consider.
“Advise sa akin ng counselors at saka ng psychiatrist ko ay hinay-hinay muna. After what I had gone through, huwag ko raw munang isubsob ang sarili ko sa isang bagay na minsan ay pinagdaanan ko.”
Would that mean na isa sa mga bagay na naging concern ni JM in the past ay ‘yung nangyaring hiwalayan nila ni Jessy Mendiola?
JM is making a tremendous recover at very much in demand siya ngayon. He made mention of a project na ang title ay Paano Siya Nawala with Rhian Ramos. The offer was made before he entered rehab at papalitan sana siya.
But after his recovery, dahil gusto niya ang project, he agreed to do it without pay. Kaya ayun, ginawa na lang siya na isa sa mga producers nito together with Rhian.
We’re happy sa tinatakbo ngayon ng career ni JM lalo’t muli siyang nabigyan ng chance sa showbiz. Not all are given a second or third time. Pero dahil magaling siyang aktor, mabait at marunong makisama, no wonder na in demand pa rin siya sa kanyang showbiz comeback.
Sana nga’y magtuluy-tuloy na ang magandang career ni JM de Guzman at ‘wag na siyang madapa uli.





Comments