7 patay sa 15-anyos na suicide bomber
- Joy Repol Asis
- Apr 12, 2019
- 1 min read
Pito katao ang nasawi sa pag-atake ng suicide bomber sa North Sinai, Egypt.
Ayon sa Interior ministry, kabilang sa mga nasawi ang apat na security forces.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nasa edad 15 ang suicide bomber na nagpasabog sa sarili sa palengke malapit sa police station sa Sheikh Zuweid.
Samantala, aabot sa 26 ang nasugatan sa insidente.
Kaugnay nito, inako naman ng ISIS ang nasabing insidente.





Comments