4 kelot at bebot huli sa sugal at iligal na droga
- Pabs Hernandez III
- Apr 12, 2019
- 1 min read
ANGELES CITY—Apat na lalaki at isang babae ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal at pag-iingat ng iligal na droga, kamakalawa sa Bgy. Balibago sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Ricky Baltazar, Ryan Gama, Martinaro Montera, Hanzel Pabalik at Cristina Yanga, pawang nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, hinuli ng pulisya ang mga suspek habang nagsusugal ng cara y cruz at nang kapkapan ay nakumpiskahan pa sila ng pitong sachets ng shabu.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong illegal gambling at paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments