top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

1 dedbol sa ‘misencounter‘ ng 2 grupo ng sundalo

Levi Gonzales
Apr 12, 2019
1 min read

NAUWI sa palitan ng putok ang dalawang grupo ng sundalo na sinasabing misencounter na nauwi sa pagkasawi ng isa sa Sitio Matingam-Tingam, Bgy. Casay, San Francisco Quezon.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:20 ng umaga, habang nagpapatrulya sa lugar ang grupong pinamumunuan ni Cpl. Rexex delos Santos nang makita ang pagsulpot ng pangalawang grupong pinamumunuan din ni Cpl. Rodolfo Paddanan.

Kapwa wala sa koordinasyon ang mga grupo dahilan para humantong sa palitan ng putok.

Duguang bumulagta ang biktimang si Pfc. Arvin Peñareronda, 24, may asawa, naka-assign sa 85th IB, Philippine Army na nagtamo ng sugat sa likurang bahagi ng katawan.

Agad siyang isinugod sa pagamutan ngunit, idineklara itong dead-on-arrival.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung anong grupo ang may pagkukulang sa nasabing operasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page