Pagtatagpo sa hotel, buking | TSERMAN AT KABIT, ARESTADO

NASA kalagitnaan umano ng pagtatalik ang barangay chairman at lover nito nang datnan at arestuhin ng pulisya sa loob ng hotel sa San Jose City, Nueva Ecija.
Nakilala ang mga suspek na sina Librado Dulay, 58, at Maria Cecilia Tubiera, 32, kapwa may asawa.
Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, humingi ng saklolo sa kanila ang mister ni Tubiera matapos madiskubre na makikipagtagpo ito kay Dulay sa hotel sa Barangay Caanawan.
Sa koordinasyon ng pamunuan ng hotel sa pulisya, nabuksan sa pamamagitan ng duplicate key ang kuwartong nirentahan ng dalawa.
Tumambad sa mister ni Tubiera at mga awtoridad ang dalawa na umano’y nagtatalik.
Kasong adultery ang kinahaharap ng dalawang suspek.
Dito rin nalaman ng misis ni Dulay na mayroon itong ibang babae.





Comments