top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Online libel, pinakamaraming kaso — PNP

Jeff Tumbado
Apr 11, 2019
1 min read

INIULAT ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) na ‘online libel’ ang pinakamaraming reklamo na kanilang natatanggap.

Batay sa datos, 4,103 kaso ang iniimbestigahan ng PNP-ACG noong 2018 kung saan 1,041 dito ay online libel.

Kabilang ang pagmumura at paninirang-puri na ginawa sa pamamagitan ng social media tulad ng Facebook at Twitter.

Pangalawa naman sa listahan ang online scam na mayroong 1,012 kaso kung saan sakop nito ang panloloko sa mga indibidwal na nanghihikayat na mamuhunan sa negosyo kapalit ng pangakong tutubo nang malaki o madodoble ang kanilang puhunan.

Ikatlo sa may pinakamaraming kaso ang pagpapakalat ng malalaswang larawan at video para magamit sa pangingikil.

Ikaapat, ang ‘identity theft’ o pagnanakaw ng mga impormasyon online para makapanloko at ang ikalima, ang ‘online threat’ o mga kaso ng may nakaalitan online na nagkaroon ng seryosong banta sa kanilang buhay.

Samantala, base sa datos, lumalabas na tumaas ng halos 100 porsiyento ang mga kaso na hinahawakan ng Anti-Cybercrime Group sa kasalukuyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page