top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mister at anak naghintay sa labas ng hotel | MISIS AT LOVER, HULI

Maeng Santos
Apr 11, 2019
1 min read

KALABOSO ang misis at ang kanya umanong kalaguyo matapos mabulaga ng asawa ng babae na palabas sa isang hotel sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat nina P/Msgt Herbert Garcia at P/Cpl Victor Ilustrisimo kay Valenzuela Police Chief P/Col David Nicolas Poklay, noong Abril 4, umalis ng bahay ang isa sa mga dinakip na si ‘Alyana’, 47, nang hindi nagpapaalam sa kanyang asawa na si ‘Kardo’, 49.

Hindi na bumalik si ‘Alyana’ hanggang sa isang kaibigan ni ‘Kardo’ ang nagsabing nakita ito kasama si alyas Edgar, 44, factory worker, ng Bgy. Gen. T. De Leon, na papasok sa Paradise Hotel sa Paso de Blas.

Nagtiyagang naghintay si ‘Kardo’ malapit sa nasabing hotel hanggang alas-4:20 ng hapon at nang makita nito na papasok ng hotel ang dalawa, agad nitong tinawagan ang anak nilang si ‘Katya’ at sinabihan na pumunta sa nasabing hotel para makita ang ginagawa ng ina. Naghintay sa labas ang mag-ama hanggang sa makita ang dalawa na palabas ng hotel kung saan hindi na nakapagtimpi si ‘Kardo’ at kinompronta ang mga ito habang humingi naman ng tulong ang anak sa mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Kakasuhan ni ‘Kardo’ ng adultery ang dalawa sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page