May kasong rape | PRESO, GINILITAN ANG SARILI

Apr 11, 2019
1 min read

SUGATAN ang isang preso makaraan umanong gilitan ang sarili sa Sarangani Provincial Jail.
Batay sa ulat, ginilitan ng inmate na si Troy Pandi-an, 22, ang sarili sa loob mismo ng kanyang selda.
Nabatid na nahaharap ito sa kasong rape.
Sa panayam sa kapatid nito, maaari umanong ang labis na kalungkutan ang dahilan kung bakit ito nagtangkang magpakamatay. (BRT)





Comments