top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung dati, solo niya ang trono… JOHN LLOYD, NATAUHAN NA SAPAW NA KAY COCO, BALIK-SHOWBIZ NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 11, 2019
  • 1 min read

HINDI man lantaran ang diumano’y pagba­balik-showbiz ni John Lloyd Cruz at endorsement lang ng isang produkto kasama si Piolo Pascual ang kanyang gagawin, still, marami ang naniniwalang nagpaparamdam na si Lloydie sa kanyang intensiyon na magbalik-showbiz.

Matapos niyang magbakasyon at mag-leave nang mahigit isang taon sa showbiz, sapat na ‘yun upang siya ay makapag­pa­hinga, maka­pag-recharge at magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin.

Napagod at na-drain nang husto si JLC sa kan­yang pag-aartista. Hinanap niya ang isang peaceful life, malaya at hindi inuusyoso ang pribadong buhay.

Nakuha naman ni Lloy­die ang gusto niyang bu­hay. Pero, marami ang nag­papayo na balikan niya ang showbiz. Maraming opor­tunidad ang kanyang pina­lampas. Ang mga dating malalaking product endorsements niya, ngayon ay kay Coco Martin na ibinibigay.

Dahil sa sobrang pagsi­kat ng seryeng Ang Pro­bin­syano, naging idolo ng lahat si Cardo Dalisay (Coco). Kaya, dapat nang bumalik sa showbiz si John Lloyd bago pa siya tuluyang makali­mutan ng publiko.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page