Kaya kahit mainit, enjoy-in na raw ninyo ang summer, besh! PAGPAPAWIS, KERING LABANAN ANG SAKIT SA B
- BULGAR

- Apr 11, 2019
- 2 min read

BUONG akala natin, ang pagpapawis ay nakapagpapapayat lamang kung saan ito rin ang nararanasan natin tuwing nag-eehersisyo, tumatakbo at naglalakad tayo. Pero, knows ba ninyo na ito rin umano ay epektibong panlaban sa sakit sa bato? Woah!
Panigurado, marami sa atin ngayon ang naiirita ngayong panahon dahil sobrang init at maalinsangan, ‘yung tipong dehins ka makatulog dahil naglalagkit ka sa pawis, ‘yun lang!
Gayunman, maraming disadvantages ang pagpapawis tulad ng pagkakaroon ng pimples at body odor, kaya naman ang payo ng mga eksperto, ugaliin nating maligo, araw-araw, lalo na ngayong summer.
Samantala, dahil may disadvantages ang pagpapawis, siyempre, mayroon din itong advantages o benefits.
Una, nakabu-boost umano ito ng endorphins kung saan sa pag-aaral na nai-published sa Biology Letters, natuklasan na dahil sa endorphins na ito ay nababawasan ang pain na nararanasan ng tao.
Pangalawa, keri nitong i-detoxify ang ating katawan kung saan natatanggal nito ang alcohol, cholesterol at sodium na mayroon tayo na nakasasama na para sa ating kalusugan, kaya kung inyong matitikman, maalat ang pawis. He-he-he!
Dagdag pa rito, ang pagpapawis umano ay epektibong panlaban sa sakit sa bato dahil nililimitahan nito ang accumulation ng salt at calcium sa ating kidneys at urine kung saan nagmumula ang bato. Amazing!
Maliban pa rito, kung mayroon kayong sipon o iba pang sakit, ayon kay Dr. Diane De Fiori, dermatologist mula sa Rosacea Treatment Clinic sa Melbourne, ang pawis ay nagkokontamina ng antimicrobial peptides na puwedeng panlaban sa virus, bacteria at fungi.
Kaya kung inis na inis kayo dahil pawisin kayo, mga lodi! Huwag dahil good ‘yan para sa inyong kalusugan.
Tiis-tiis lang talaga sa init at uminom ng maraming tubig dahil sa mga susunod na buwan puro bagyo naman ang ating mararanasan.
Oh, ayan, make sure na kapag pinapawisan, eh, magpapalit ng damit at uminom ng maraming tubig para hindi magkaroon ng iba pang sakit.
Be prepared always, mga lodi!
Okidoki? Hi-hi-hi!





Comments