Hirit ni Sec. Piñol, magiging onion self-sufficient ang bansa, ganyan din ang boladas niya sa bigas,
- BULGAR

- Apr 11, 2019
- 2 min read
SABLAY SI “BIKOY”—Ipinakita ni ex-SAP Christopher “Bong” Go ang kanyang likod sa publiko para patunayan na wala siyang tattoo sa likod, taliwas sa ibinulgar ng isang “Bikoy” na ang dragon na tattoo raw nito (“Bong” Go) sa likod ang magpapatunay na miyembro ito ng sindikato ng iligal na droga.
Dahil walang tattoo sa likod si “Bong” Go, ibig sabihin, sablay ang “expose” ni “Bikoy”, boom!
◘◘◘
NAMBOLADAS NA NAMAN SI SEC. PIÑOL—Sabi ni DA Sec. Manny Piñol, magiging onion self-sufficiency na raw ang bansa.
‘Yan na naman, namboladas na naman si Sec. Piñol.
Ganyan din ang boladas niya noong October 2017 na kesyo magiging rice self-sufficiency na ang bansa, pero makalipas lang ang dalawang buwan, kinapos ang supply ng bigas, nagmahal ang presyo nito sa merkado, buwisit!
◘◘◘
MAR ROXAS, HINDI NA PASOK SA TOP 12? — Sa isinagawang survey ng “Carl Balita Review Center”, ito ang rankings ng mga senatoriable. 1. Grace Poe; 2. Ronald “Bato” dela Rosa; 3. Pia Cayetano; 4. Sonny Angara; 5. “Bong” Go; 6. Nancy Binay; 7. Cynthia Villar; 8. Bam Aquino; 9. Lito Lapid; 10. Imee Marcos; 11. “Bong” Revilla at 12. Dr. Willie Ong.
Kapuna-puna, ang mga dating pumapasok sa survey na si ex-DILG Sec. Mar Roxas, hindi pumasok sa Top 12 ng nasabing survey na ito.
Kung ganu’n, nagdedelikado na pala ang kandidatura for senator ni Mar, saklap!
◘◘◘
KAPAG NANALO SI “BATO”, MAY KA-PARTNER NA SI SEN. “PING” SA DEATH PENALTY—Kapag nanalo sa pagka-senador si Ronald “Bato” dela Rosa, malaki ang tsansang matupad ang hangarin ni P-Duterte na maibalik na ang death penalty sa bansa kasi magkakaroon na ng kakampi si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na maisulong sa Senado ang parusang kamatayan sa mga drug lord at kriminal.
Kaya sa mga drug lord at kriminal, tantanan n’yo na ang bad ninyong gawain kung ayaw ninyong masalang sa bitayan, boom!





Comments