top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dahil sa manipis na suplay ng kuryente | RED ALERT SA LUZON

V. Reyes
Apr 11, 2019
1 min read

ITINAAS na ang red alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa patuloy na pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon.

Kaugnay ito ng hindi planado o puwersahang pag-shutdown ng ilang power plants sa rehiyon.

Umiral ang red alert status mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at ala-1:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon.

Nangangahulugan ito na walang ancillary services o mayroong generation deficiency.

Samantala, itinaas ang yellow alert mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga; alas-11:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.

Kabilang sa mga power plant na nag-shutdown na nagpanipis sa suplay ng kuryente ang Sual Unit 1 (627 megawatts); SLPGC Unit 2 (150 megawatts); Pagbilao Unit 3 (420 megawatts) at SLTEC Unit 1 (135 megawatts) na nakabawas ng 1,352 megawatts na capacity ng kuryente.

Nagbawas naman ng ipinalalabas na suplay ang Malaya Unit 1 (300 megawatts na ibinaba sa 150 megawatts) at Calaca Unit 2 (300 megawatts na ibinaba sa 150 megawatts ang suplay).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page