12-anyos ni-rape ng dalawa
- Levi Gonzales
- Apr 11, 2019
- 1 min read

GINAHASA ng dalawang lalaki ang 12-anyos na babae sa Tiaong, Quezon.
Batay sa pahayag ng biktimang si alyas Mary, estudyante, kinausap umano siya ng mga suspek na sina alyas Juan, 18, at 'Pepe', 18.
Nakumbinsi ng mga ito na sumama hanggang dalhin siya sa liblib at walang taong lugar kung saan dito ginawa ang panghahalay.
Hindi nito nagawang lumaban dahil malakas ang mga suspek.
Agad siyang nagsumbong sa ina at isinalaysay ang kanyang sinapit.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa dalawang nakikilalang suspek.





Comments