top of page

Worried na madalas mawalan ng gana sa pagkain

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Palagi akong walang ganang kumain, pero wala naman akong nararamdamang kakaiba sa aking katawan. Basta wala lang talaga akong gana at halos ilang linggo na ang aking sitwasyon. Umiinom naman ako vitamins na pampaganang kumain, pero parang wala itong epekto. Ano kaya ang dahilan nito? — Manuel

Sagot

Maraming dahilan kaya nawawalan ng appetite o gana sa pagkain ang bawat indibidwal. Maaaring dahil sa travel sickness, common colds at iba pa.

Ang appetite ay pinakikilos ng tinatawag na appestat. Ito ay ang sensory area ng utak na nagdadala ng hormones at nagsasabi na dapat tayong kumain. Kapag ang appestat ay nag-malfunction dahil sa unbalanced diet, poor health o hormone imbalance, ang maling mensahe ang nagta-transmit sa katawan at maaaring makadama ng gutom ang sinuman o kawalan ng gana o panlasa sa pagkain. Kapag ang kawalan ng panlasa o gana ay dahil lamang sa hangover o indigestion, ang panlasa ay magbabalik kapag okay na ang kondisyon ng katawan.

Kapag ang kawalan ng panlasa o gana sa pagkain ay dahil sa walang patumanggang pagkain ng mga snack, maaaring ma-regain ang panlasa sa pagkain ng prutas, partikular ang saging.

Ang kawalan ng panlasa ay maaaring dulot din ng kakulangan sa zinc at potassium. Ang mga pagkaing mayaman sa zinc ay crabs, oysters, lobsters, lean meat at poultry products.

Itinuturong dahilan din ng kawalan ng panlasa ay ang sobra o madalas na intake ng Vitamin D. Ang pag-inom ng sobrang alak ay nagiging dahilan ng pagkawala ng zinc, gayundin, nawawala ang zinc reserves sa katawan dahil sa labis na pag-eehersisyo.

Gayunman, makabubuti kung magpapakonsulta agad sa doktor upang mabigyan ng karagdagang payo, gayundin ang iba pang bagay tungkol sa iyong sitwasyon.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page