top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Simbahan nilooban | DONATION BOX, TABERNAKULO TINANGAY

Jeff Tumbado
Apr 10, 2019
1 min read

NILOOBAN ang isang simbahan at tinangay ang ilang mahahalagang kagamitan kabilang ang balot sa ginto na tabernakulo na nagkakahalagang P300,000 sa Roxas City, Capiz.

Ito ang ipinabatid sa pulisya ni Monsignor Butch Abalajon ng San Pedro Calungsod Mission Station.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakitang bukas ang pintuan ng simbahan alas-6:00 ng umaga ng Martes kung saan natangay ng hindi pa matukoy na suspek ang ilang mahalagang gamit tulad ng tabernakulo na pinag-iingatan ng banal na tinapay o “ostiya” at donation box na naglalaman ng pera, gayundin ang mga speaker ng simbahan.

Gamit umano ng mga magnanakaw ang metal cutter kaya nadistrungka ang kandado nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page