Sekyu todas sa riding-in-tandem
NUEVA ECIJA—Isang security guard ang namatay at sugatan naman ang anak nitong dalagita nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. San Roque, Guimba sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Romualdo Andaya, 44-anyos, samantalang, ang sugatan ay ang anak nitong si Rixelle, 17-anyos, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, sakay ng tricycle ang mag-ama nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mag-ama sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Romualdo, samantalang, iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng pamamaril ng mga suspek sa mga biktima.





Comments