Motor ng pulis nasagi, 17-anyos hinataw ng baril sa ulo

GINAGAMOT sa ospital ang 17-anyos na binatilyo matapos hatawin ng baril ng pulis sa Bgy. Tres Poblacion, Calauag, Quezon.
Sa report, pasado alas-9:00 ng gabi, sakay ng motorsiklo ang biktimang si alyas Adrian ng Bgy. Sabang Dos, nang aksidente nitong masagi ang motorsiklo ng suspek na si Pat. Eric Gregy Estrella, naka-assign sa Calauag, Quezon Police Station.
Galit nitong pinababa ang biktima saka mura at bumunot ng baril.
Kaagad nitong hinataw ng tatlong beses sa ulo ang biktima saka tumakas.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa naturang pulis.





Comments