top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mismong mga residente ang makapagsasabi kung gaano kalala ang iligal na droga sa kanilang lugar, per

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2019
  • 2 min read

DUMIPENSA si Mayor “Lenlen” Oreta ng Malabon City sa banat ni P-Digong na sangkot sa illegal drugs ang kanyang siyudad.

Inilabas sa media na kinilala ng DILG ang performance nila sa anti-drug campaign noong 2018!

◘◘◘

UMABOT na raw sa 40 percent ng barangay ang drug-free sa Malabon.

Pero, pumapalag ang mismong mga residente sa katotohanan ng ulat.

Ano ba ‘yan?

◘◘◘

TINUKOY na drug-free ang siyam na barangays na Baritan, Dampalit, Ibaba, Muzon, Niugan, San Agustin, Concepcion, Flores at Panghulo.

Pero, paano naman ang ibang barangay na talamak ang illegal drugs?

◘◘◘

BATAY sa records, ang dating barangay captain na si alyas Alvin ay kabilang sa PDEA narco-list.

Siya ang itinuturong utak ng shabu lab na pag-aari ng Chinese na si Jiang Minshan na katabi mismo ng barangay hall sa Tenajeros!

◘◘◘

PASOK din sa PDEA narco-list ang kapitan ng Bgy. Hulong na isang alyas Anthony.

Dapat maisuko agad ni Meyor “Lenlen” ang naturang kapitan upang makaiskor siya sa batikos ni P-Digong!

◘◘◘

NAKUMPISKAHAN naman ng 4 sachets ng shabu ang 3 barangay tanod ng Bgy. Longos na nagka­kahalagang P100,000.

Paano makakalmante ang mga residente kung ang tanod ang siyang tulak at adik?

◘◘◘

SINALAKAY din ng mga awtori­dad ang drug warehouse sa Bgy. Santulan na konektado sa notoryus na Dragon Wu International Syndicate sa Asya.

Pinasok na rin ng international mafia ang Malabon!

◘◘◘

ANG masakit, nag-viral sa social media ang tatlong bagets sa Bgy. Tugatog na minumura si P-Digong.

Maaaring nasa impluwensiya sila ng iligal na droga kaya nagawa ang pambabastos sa pangulo!

◘◘◘

Noong nakaraang Huwebes ay naaresto ang isang pulis-Malabon kasama ang kanyang ama at tiyahin sa drug bust operation sa Quezon City.

Hindi lang simpleng tanod at pulis kundi pami-pamilya na ang nalululong sa iligal na droga!

◘◘◘

PINABUBULAANAN ng mayor ng Malabon ang akusasyon ni P-Di­gong pero, paano na ang aktuwal na nagaganap sa kanyang paligid?

May intel info si P-Digong at hindi basta-basta ito mag-aakusa!

Ang mismong mga residente ang nakaaalam kung gaano kagrabe ang illegal drugs sa naturang siyudad!

◘◘◘

MABUBURA ba ng award ng DILG ang illegal drugs?

Ang sagot ay malinaw na hindi!

◘◘◘

HINDI magiging talamak ang illegal drugs nang walang natatanggap na proteksiyon sa mga may hawak ng kapangyarihan.

‘Yan ang tunay na ugat ng kanser sa ating lipunan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page