Lagi raw mainit ang ulo sa taping… IBINULGAR: COCO, GALIT NA GALIT NANG KUMALAT NA NANGANAK NA SI J


KINUMPIRMA naman ng ilang industry insiders sa PEP.ph na nanganak na si Julia, at si Coco ang tinatayang ama ng sanggol.
Ngunit ang paglabas ng balita ay ikinagalit umano ng sinasabing most-favored Kapamilya star sa kasalukuyan. Mainit daw parati ang ulo nito sa set noong panahong lumabas ito.
Kung dati raw ay may temper na ang aktor sa set ng Ang Probinsyano, noong panahong ‘yun ay lalo pa raw pumuputok ang galit nito bigla-bigla.
Pagtataka naman ng mga showbiz insiders, “Bakit galit si Coco?”
Sa showbiz daw, hindi kailanman nakasira sa isang action star ang pagkakaroon ng kuwentong may anak ito sa labas.
Nagpadala ang PEP ng mensahe sa pamunuan ng Cardinal Santos Medical Center tungkol sa balitang doon nanganak si Julia, ngunit at press time ay wala pa silang nakukuhang sagot.
Ang sagot lamang nila sa writer ng PEP.ph ay: “Hello Arniel Serato! This is to notify you that we have successfully received your message. We will answer your inquiry as promptly as we can. Thank you and have a good day!”
Sa pagkakaalam namin, hindi basta naglalabas ng impormasyon ang mga ospital tungkol sa mga pasyente, lalo pa kung hiniling mismo ng mga ito ang pagkakaroon ng privacy.
Lalo na’t ang kinukunan ng impormasyon ay isang celebrity, tiyak na sasalain muna ng pamunuan ang ilalahad na sagot lalo na’t kung pribadong isyu ang gustong malaman.





Comments