top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Jeep nahulog sa bangin, 4 todas

Jeff Tumbado
Apr 10, 2019
1 min read

APAT ang nasawi kabilang ang mag-aama habang dalawa pa ang kritikal matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa bayan ng Kabugao, Apayao, Lunes ng hapon.

Dead-on-the-spot ang mag-aama na nakilalang si Catalino Bagyao at kapwa menor-de-edad na mga anak na sina Jeric Jally at Laylay habang nasawi ang driver ng jeep na si Ropselo Udaundo habang patungo sa pagamutan.

Batay sa report kay Police Lt. Ana Marie Lopez, hepe ng Kabugao Municipal Police Station, nawalan umano ng kontrol ang jeep sa pababang bahagi ng national highway na sakop ng Bgy. Masimut hanggang sa magtuluy-tuloy na dumausdos sa bangin na may lalim na mahigit 20 metro.

Napag-alaman sa report na puno ng saku-sakong mais ang jeep at sa bubungan nakaupo ang mga pasahero nito.

Lumabas din sa imbestigasyon na nakainom si Udaundo na isa rin sa mga itinuturong dahilan ng malagim na aksidente.

Patuloy namang inoobserbahan sa ospital ang dalawang pasahero na labis na nasugatan sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page