top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Isa sa mga suspek sa masaker sa mag-iina sa Bulacan | KELOT NAGBIGTI SA SELDA

  • Jeff Tumbado
  • Apr 10, 2019
  • 1 min read

WALA ng buhay nang madiskubre sa loob ng palikuran ng San Jose del Monte City Police Station ang isa sa dalawang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-iinang Casabuena noong Abril 3, 2019.

Alas-2:00 ng madaling-araw ng Martes nang magulantang ang kapwa preso na si Marlon Sabonsodin sa pagkakadiskubre nito sa nakabiting bangkay ni Joselito Cortez sa loob ng CR ng naturang presinto sa Bgy. Poblacion Uno.

Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Castil, Jr., chief of police ng SJDM, agad ipinaalam ni Sabonsodin sa naka-duty na jailguard ang pagpapatiwakal ni Cortez.

Nabatid na ginamit ni Cortez ang nylon cord na nakakabit sa kisame ng palikuran habang nakita rin sa tabi ng bangkay nito ang suicide note na nagsasabing, ‘patawarin ako ng mag-iina’.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na binagabag ng konsensiya si Cortez kaya nagdesisyon ito na kitlin na ang sariling buhay.

Kasama si Cortez ng isa pang suspek na si Wilson Nosal sa pagpatay sa mag-iinang Casabuena sa loob ng kanilang bahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page