top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Fetus, itinapon sa basurahan

Mylene Alfonso
Apr 10, 2019
1 min read

ITINURING na may sakit sa pag-iisip ang babaeng nagtapon ng fetus na isinilid sa plastic bag bago itinapon sa basurahan, kahapon ng umaga sa panulukan ng Tomas Mapua St., Binondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni PSSgt. Joseph Kabigting ng Manila Police District -Homicide Section, ayon kay Ariel Galura, 30, security ng Bulane Hotel, nakita niya ang babae na nagtapon ng plastic bag

Nabatid na fetus ang laman ng naturang plastic bag kung saan nasa apat hanggang limang buwan ang edad nito dahilan para i-report sa MPD-PS 11.

Unang nakita ni Grace Magbalane, 23, front desk ng Bulane Hotel, ng Bgy. 303, Sta. Cruz, Manila at agad na sinabi kay Galuro na siyang tumawag sa pulisya.

Sariwa pa ang fetus at hinihinalang katatanggal lamang sa sinapunan ng ina nito nang itapon ng babae sa naturang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page