CLARKSON SA GILAS PILIPINAS TINATRABAHO NA SA FIBA CUP
- Alvin Olivar
- Apr 10, 2019
- 1 min read

PINAGTATRABAHUHAN na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang posibleng partisipasyon ni Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas sa darating na 2019 FIBA Basketball World Cup sa China.
Ayon kay SBP vice chairman Ricky Vargas kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel sa Manila, tahimik na sinisimulan na ang proseso ng pag-apila sa FIBA na makapaglaro sa Gilas Pilipinas si Clarkson. Sa ngayon ay umaasa ang SBP na makapaglalaro si Clarkson bilang isang local player kasabay ni naturalized player na si Andray Blatche.
May hawak na Philippine passport si Clarkson na siya nitong nakuha matapos siyang mag-edad 16. “SBP is quietly working with Fiba. We are quietly working and seeing to it if we can get Clarkson to the worlds. That would be fantastic. Quietly, MVP and (SBP president) Al Panlilio are working on Jordan Clarkson,” saad ni Vargas.
Tahimik ang SBP sa pag-apila sa FIBA sabay na rin ng payo ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan na huwag gumawa ng ingay tungkol sa pagkuha kay Clarkson. Si Pangilinan ay miyembro ng Central Board ng FIBA. Gaganapin mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China ang 2019 FIBA Basketball World Cup kung saan kasama ng Gilas sa Group D ang Italy, Angola, at Serbia.





Comments