CIGNAL-ATENEO, SINAMPOLAN AGAD ANG ST. CLARE SA D-LEAGUE
- BULGAR

- Apr 10, 2019
- 2 min read

IPINALASAP ng Cignal-Ateneo de Manila ang unang kabiguan sa St. Clare College Virtual Reality, matapos nitong padapain ang huli, 88-66, kahapon sa 2019 PBA D- League sa JCSGO Gym sa Cubao.
Ipinoste ni Ivorian center Angelo Kouame ang 11 sa 37 puntos na ginawa ng Ateneo sa third canto.
Naiiwan pa ang Cignal-Ateneo, 28-46, bago sila humalibas ng killer 31-7, blast upang agawin ang bentahe, 59-53 may natitira pang 2:02 oras sa laro.
Buhat doon, ‘di na sila bumitaw sa pangingibabaw upang masungkit ang ikalimang tagumpay sa loob ng anim na laban. Tumapos si Kouame na may 24 puntos at 29 rebounds, kinapos ng isa upang pantayan ang league record na 30 ni Malick Diouf ng CEU Scorpions at 5 blocks.
“Our halftime talk was direct to the point, that we Weren’t doing what we said we’ll do before the game,” pag-amin ni coach Tab Baldwin. “We didn’t really make any adjustments and we just went back to basics, play like they wanted to win the game and played like any good team.”
Dahil sa panalo, umangat ang Cignal-Ateneo sa ikalawang puwesto ng Aspirants Group sa markang 5-1 habang ibinaba nila ang Saints sa ikatlong posisyon sa taglay nitong barahang 4-1.
Nanguna para sa nabigong St.Clare si Darwin Lunor na may 12 puntos at 16 rebounds.
Nauna rito, dinomina ng Valencia City Bukidnon-San Sebastian College ang Wangs Basketball, 96-64.
Inumpisahan ng Golden Harvest ang laro sa pamamagitan ng 18-0 run sa pangunguna nina Allyn Bulanadi at RK Ilagan na pinalobo nila hanggang 33 puntos sa iskor na 60-27 sa halftime.
Umiskor si Bulanadi ng 28 puntos, 7 rebounds, at 2 steals, habang tumapos si Ilagan na may 13 puntos.
“Ang importante ngayon, the boys executed our game plan and ang ganda ng depensa namin,” pahayag ni coach Egay Macaraya matapos nilang limitahan ang Couriers sa 35-percent shooting clip. (VA)





Comments