top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Caretaker kinatay ng katrabaho

Levi Gonzales
Apr 10, 2019
1 min read

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng caretaker sa kamay ng kanyang katrabaho sa Bgy. Poblacion 1, San Jose, Batangas.

Batay sa ulat, alas-10:20 ng umaga, nakita ng testigo ang pagtatalo ng biktimang si Reynaldo Jodilla, 57, at suspek na si Lito Carambacan, 38, kapwa tubong Bacolod.

Sa kalagitnaan ng kanilang usapan, agad umanong bumunot ng patalim ang suspek at ilang ulit na pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan bago tumakas.

Duguang bumagsak ang biktima saka binawian ng buhay sa lugar habang agad nasakote ang suspek sa follow-up operation ang papatakas na suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page