BATISTA, RETIRADO NA SA WWE
- Alvin Olivar/MC
- Apr 10, 2019
- 1 min read

OPISYAL nang inanunsiyo ni Dave Bautista, dating WWE world champion na naging aktor ang kanyang pagreretiro sa sports entertainment matapos ang huling laban niya sa WrestleMania 35 noong Linggo sa MetLlife Stadium sa New Jersey.
Natalo si “Batista” kay Triple H sa bisa ng No Holds Barred match sa WrestleMania 35, kung saan si WWE Hall-of Famer Ric Flair ang umasiste. Nakataya sa laban ang career ni Triple H. Unang nagbalik sa bakbakan si Batista at naging opisyal noong WWE February, kung saan ay binanatan niya sa backstage si Flair habang nagdaraos ito ng kanyang kaaarawan. Matapos iyon ay naghamon siya kay Triple H na tatanggapin nito ang “The Game.”





Comments