top of page
Pokwang.jpg

After makuha sina Rocco, Dingdong at Dennis… SANYA, GUSTO RING MA-TESTING SINA ALDEN AT DEREK

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 10, 2019
1 min read

SA ganda at porma ng Kapuso actress na si Sanya Lopez, ma­rami ang lihim na nagpapan­tasya at nagnanais na siya ay mapaibig.

At this point of her career, hindi prayoridad ni Sanya ang kanyang love life. Focused siya sa pag-aartista at si­na­­samantala ang magandang oportu­nidad na dumarating ngayon sa kanya.

Hindi naging madali para sa Kapuso actress na makamit ang big break na ibinigay sa kanya ng GMA Network. Nagkaroon siya ng maliit na exposure noon sa Half-Sisters. Nagmarka naman siya agad sa Encantadia.

Pinagbida siya sa afternoon soap na Haplos kung saan nakapareha niya si Rocco Nacino. At malaking oportu­nidad din na nakapareha niya ang dalawang pambatong aktor ng GMA-7 na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa Cain at Abel.

Given the chance, gusto rin niyang makatrabaho sina Alden Richards at Derek Ramsay.

Career-oriented si Sanya Lopez at may goal siyang gustong makamit kaya pinag­bubuti niya ang kanyang trabaho.

Sexy and daring siya sa bagong serye na kanyang gagawin, ang Dahil sa Pag-Ibig. Pangarap niyang makapag-ipon upang makapagpatayo ng kan­yang dream house.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page