2 anak hinostage ng live-in partner | GINANG SINAKSAK SA LEEG, TODAS
- Madel Moratillo
- Apr 10, 2019
- 1 min read

PATAY ang ginang matapos saksakin sa leeg ng kanyang live-in partner, kamakalawa ng tanghali sa kanilang bahay sa San Mateo, Rizal.
Sa ulat ng San Mateo Police, pinatay ng suspek na si Frederick Paule ang kanyang live-in partner na si Yolanda Manset sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Ampid 1, San Mateo.
Matapos nito, hinostage ng suspek ang mga anak ni Manset na sina Jinray, 14, at Angelica, 13.
Nailigtas ng mga operatiba ng San Mateo Police ang mga hostage at naaresto ang suspek.
Kasong murder at serious illegal detention naman ang kakaharapin ng suspek.





Comments