WARRIORS TOP SEED NA SA WEST HARDEN AT WESTBROOK, LODI


IPINAGDIWANG ng Golden State Warriors ang kanilang final regular-season game sa Oracle Arena nang magpasabog ng magandang laro sa third-quarter at tapusin sa 131-104 win ang laban sa Los Angeles Clippers sa Oakland, Calif., para malagay sa top seeding sa Western Conference playoffs ng NBA game kahapon.
Hindi pa alam ang first-round opponent ng Warriors na siyang 8th seed sa West, ang playoffs ay magsisimula sa susunod na Linggo. Ang pagkatalo ang nagpatarak sa Clippers (47-34) na kaunti lang sa likod ng first-round matchup sa Warriors. Makasasagupa nila ang Oklahoma City (47-33) o ang San Antonio (47-34), na parehong nagwagi kahapon para sa sixth, seventh at eighth playoff spots sa West.
Sa iba pang laban, nakagawa si James Harden ng triple-double, habang pumoste si Clint Capela ng double-double at tuluyang isinara ng Houston Rockets ang home schedule sa 149-113 nang idiskaril ang Phoenix Suns.
Sumampa ang Rockets sa ikalawang sunod na panalo sa homecourt upang maging third seed sa Western Conference. Ang Houston, na nakalamang ng halos 42 points sa 120-96 win kontra New York Knicks noong Biyernes ay nanguna sa 117-77 score pagpasok sa fourth quarter laban sa kinakapos na Suns. Isasara ng Rockets ang regular season sa Oklahoma City.
Samantala, umiskor ng tig-27 puntos sina Paul George at Russell Westbrook upang pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 132-126 road win kontra Minnesota Timberwolves sa Minneapolis. Nagawa pang humabol ng Thunder sa pag-iskor ng 37 sa fourth-quarter upang pagwagian ang ikatlong sunod na laro. Ang unang three-game winning streak na ito ng Oklahoma City mula Peb. 11-22 ang nagpanatili sa Thunder sa kontensiyon para sa 6th spot sa Western Conference. (ATD/MC)





Comments