Tatay nilasing ng katoma | 12-ANYOS NA ANAK, INABUSO

KULONG ang construction worker nang gapangin at molestiyahin ang 12-anyos na estudyante makaraang lasingin ang ama ng biktima sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay ang suspek na si Ronel Belano, 29, na naaresto sa follow-up operation ng mga tauhan ng PCP-7 malapit sa kanyang tirahan sa Bgy. Punturin matapos maghain ng reklamo ang ama ng biktima, kasama ang kanyang anak na itinago sa pangalang ‘Ligaya’.
Ayon sa Valenzuela Police Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD), ala-1:50 ng madaling-araw, natutulog ang biktima sa loob ng kanyang silid nang pasukin ito at tinangkang halayin.
Nagpumiglas ang biktima hanggang sa magawa nitong maitulak ang lalaki at buksan ang ilaw.
Tumambad sa biktima ang mukha ni Belano na kainuman ng kanyang ama kaya sa takot ay tumalon palabas ng bintana ang dalagita saka humingi ng tulong.
Sinampahan ng pulisya ng kaukulang kaso ang suspek.





Comments