top of page
Pokwang.jpg

SCORPIONS AT MCDAVID, DINOMINA ANG D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 9, 2019
1 min read

GAYA ng inaasahan, dinomina ng Centro Escolar University ang CD14 De­signs-Trinity University of Asia, 93-69, para sa ikali­mang sunod nilang panalo kahapon sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Muling pinangunahan ni Senegalese big man Maodo Malick Diouf ang Scorpions sa itinala nitong 27 puntos, 18 rebounds, at 4 blocks. Nakabalikat niya ang locals na sina Jan Formento na nagtala ng 17 puntos, Judel Fuentes at Pierce Chan na nag-ambag ng tig-13 puntos. “I was worried about my team because (CD14 De­signs-Trinity was) winless and my team might just take them for granted,” wika ni CEU coach Derrick Puma­ren. ‘That’s what I’ve been harping on them, they’re 0-4 and if they’re gonna get their first win, they have to get it on the other teams.”

Dahil dito, tumatag ang CEU sa pangingibabaw sa Foundation Group sa ha­wak nilang malinis na mar­kang 5-0, panalo-talo.

Pinangunahan nina John Tayongtong at Gab Reyes ang winless pa ring White Stallions sa itinala nilang tig- 11 puntos.

Samantala sa huling laro, nakatikim na rin ng panalo sa wakas ang McDavid ma­tapos ungusan ang Family Mart-Enderun College, 73-68. Nagtala si Michole Sorela ng 22 puntos, 4 rebounds at 2 assists upang tumapos na topscorer para sa McDavid.

Pero ang ex-pro na si Jerwin Gaco ang sumagip sa koponan nang mawala nito ang naunang 63-44 na ben­tahe sa paghabol ng Titans.

Tumapos si Gaco na may double-double 10 pun­tos at 14 rebounds para tu­lungan ang McDavid na putulin ang nauna nilang 4-game losing slide at umangat sa markang 1-4 sa Aspirants Group. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page