ROTC ibabalik, mabubuhay na naman ang mga scalawag!

GINUGUNITA ngayon ang pagbagsak ng Bataan.
Isinasabit naman sa illegal drugs si “Bong” Go.
Hindi kaya siya rin ang bumaril kay Dr. Jose Rizal?
◘◘◘
PLANO ni Rep. Antonio Floirendo na maging speaker ng House of Representative.
Hindi kaya kontrahin siya ng ex-BFF niyang si ex-Speaker Pantaleon Alvarez.
Talagang ang life ay weder-weder lang!
◘◘◘
KINIDNAP ang isang trader ng 30 armadong lalaki sa luxury hotel.
Nanangkupooo!
◘◘◘
PANGANGAMPANYA ng “otso diretso” sa Scarborough Shoal.
Kailangan kasi nila ang suporta ng mga Tsino!
◘◘◘
BUMAGSAK pa ang halaga ng piso.
Matutuwa ang mga OFW!
◘◘◘
HIHIGPITAN ng coast guard ang mga colorum na ferry boats sa mga karagatan ngayong Holy Week.
Karaniwan kasing overloaded ang mga ito!
◘◘◘
BUBUHAYIN ang ROTC.
Kikita na naman ang mga iskalawag!
◘◘◘
NAPALILIGIRAN na ng mga barko ng China ang Pag-asa Island sa Palawan.
Ang AFP natutulog pa rin!
◘◘◘
IMPOSIBLENG ideklara ni P-Digong ang Revolutionary Government.
Kasingkahulugan ito ng pagtalikod sa Konstitusyon at siyempre, pagre-resign sa Malacañang!





Comments