P3.4 milyon nakumpiska | GRADE 8 NA TAGA-DELIVER NG SHABU, TIMBOG
- Jeff Tumbado
- Apr 9, 2019
- 1 min read

NASA P3.4 milyon ang nakumpiskang bulto ng shabu na nasa pag-iingat ng Grade 8 student sa ikinasang anti-drug operation ng City Intelligence Branch at City Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office sa Bgy. Duljo.
Ang 17-anyos na lalaki ay sinasabing isinailalim sa walong araw na surveillance at nang makumpirma, agad nagsagawa ng operasyon ang pulisya kung saan positibo itong nakuhanan ng kalahating kilo ng shabu.
Samantala, inamin ng suspek sa pulisya na inutusan lamang umano siya para mag-deliver ng shabu kapalit ng halagang P500.
Hindi niya kilala ang nag-utos sa kanya dahil iaabot lang umano ito ng ibang tao at ide-deliver sa hindi niya kakilalang customers. Sinabi rin nito na apat na beses na niya itong ginawa bago ang pagkakadakip sa kanya.
Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang nasa likod ng pagsusuplay ng malaking halaga ng iligal na droga sa lungsod.





Comments