Mister tumanggi sa tagay, ginulpi ng 2
- Maeng Santos
- Apr 9, 2019
- 1 min read

SA ospital ang bagsak ng isang lalaki matapos pagtulungang bugbugin ng dalawang lasing matapos tumanggi sa alok na tagay ng mga suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Isinugod sa Tondo Medical Center upang magamot ang tinamong mga pinsala sa mukha at katawan ni Nelson Adrino, 30, mechanical maintenance, binata, ng Bgy. Tonsuya.
Nadakip at nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek na sina Mitechell Parcel III, 44, widower at Ronie Mark Ortiz, 24, kapwa ng Bgy. Tonsuya.
Sa imbestigasyon nina PSSgt. Julius Mabasa at PSSgt. Philip Cesar Apostol, alas-5:30 ng hapon, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng C. Perez St. pauwi nang harangin ng mga suspek at inimbitahan sa kanilang inuman.
Tumanggi ang biktima na ikinagalit ng mga suspek at pinagtulungang bugbugin si Adrino.
Natigil lamang ang mga ito nang dumating ang rumespondeng mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.





Comments