Low pressure area namataan sa Davao City

ISANG low pressure area o namumuong sama ng panahon ang namataan sa bahagi ng Davao City na inaasahang magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas at Mindanao.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 900 kilometro silangan ng Davao City.
Gayunman, sinasabing maliit ang tsansa na maging bagyo ang LPA habang kumikilos patungong Mindanao pero, makapagdudulot pa rin ng pag-ulan sa mga susunod na araw.
Posible rin umano ang mga biglaang pagbaha sa mga lugar na makararanas ng thunderstorms.
Samantala, ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap na paminsan-minsang pag-ulan o thunderstorms dahil sa pag-iral ng easterlies.





Comments