Kuwalipikasyon at benepisyo ng Barangay Nutrition Scholar

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Gusto kong malaman kung ano ang kuwalipikasyon upang maging Barangay Nutrition Scholar, gayundin, ano ang mga benepisyong iginagawad sa kanya? — Susan
Dear Susan,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 4 ng Presidential Decree No. 1569 o mas kilala sa tawag na “Strengthening The Barangay Nutrition Program By Providing For A Barangay Nutrition Scholar In Every Barangay, Providing Funds Therefor, And For Other Purposes” kung saan nakasaad ang mga kuwalipikasyon upang maging Barangay Nutrition Scholar:
“Section 4. Qualification. The qualifications of a Barangay Nutrition Scholar shall be as follows:
(a) Bonafide residence in the barangay for at least four (4) years, with ability to speak the dialect;
(b) Possession of leadership potentials and the initiative and willingness to serve the barangay for at least one (1) year;
(c) Willingness to learn, and to teach what he has learned to the barangay people;
(d) At least primary school graduate;
(e) Physical and mental fitness and
(f) At least eighteen (18) years old but not more than sixty (60) years old.”
Nakasaad naman sa Section 6 ng nasabing batas ang mga benepisyo na iginagawad sa Barangay Nutrition Scholar:
“Section 6. Benefits. The barangay nutrition scholar shall be granted a civil service eligibility equivalent to second grade after the completion of at least two years of continuous and satisfactory service in the barangay. He shall also be entitled to a training stipend, kit and travel allowance of at least P120 a year, and in addition thereto, such other allowances that the municipality may grant but not exceeding P150 a month.” [Binigyang-diin]
Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, kabilang sa mga benepisyo na iginagawad sa Barangay Nutrition Scholar ay travel allowance at ang pagbibigay ng second grade civil service eligibility kung siya ay nakapagsilbi na sa barangay ng hindi bababa sa dalawang (2) taon.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments